Subdivision III

Part 3 Daang Matuwid

"Bogs babe gising na! huy!" sigaw ng aking asawang si Angel.

Nahihilo pa akong bumangon gawa ng pagkapuyat kagabi lang dahil sa page-empake ng mga gamit. Araw iyon ng aming itinakdang outing, medyo malayo din pero tiyak na ang lahat ay mag-eenjoy.

"huwag kanang maligo, swimming din naman ang pupuntahan natin e"
utos pa ni Angel.





Ilang saglit pa'y tumunog na ang doorbell ng aming unit, binuksan ito ng aking asawa at pinapasok ang mag-syota. Si Katherine, si Kat na aking magandang hipag kasama ang mokong na si Mulong. Muli akong pumasok upang magbihis, daan ko rin iyon upang hindi na muna makausap si Kat. Hindi ko mawari pero parang ayaw ng aking diwa na makasalamuha ang dalaga. Mula noong siya ay nagka-BF na ay tila lumayo nang lubusan ang loob niya sa aming mag-asawa.

"ready na ate?"
dinig kong wika ni Kat.

"teka sandali at yung kuya mo e hindi pa nakabihis" sagot ng aking asawa.

Umarkila ng van sina Kat at Mulong bilang kanilang kontribusyon, kasama sana ang aking biyenan na nag-aalaga sa aming anak ngunit ito'y hindi natuloy. Ganun yata talaga ang matatanda parang tinatamad na sa mga malayuang byahe. Ganunpama'y tuloy pa din ang aming plano, kami ni Angel, ang dalawa naming boarders, si Kat at Mulong, at syempre ang baby kong si Carina.

"kuya tulungan na kita"
wika ni Mulong nang makita niyang hindi ako magkanda-ugaga sa bag na aking dala.

"salamat"
sagot ko nalang.

Nauna kami ni Mulong sa parking upang ayusin ang aming mga gamit, samantala naiwan saglit ang mga babae upang sila na rin ang magsarado ng aming mga unit.

"ikaw ba magmamaneho?"
tanong ko kay mokong.

"ah ako na kuya, malapit lang naman"
sagot nito.

Ilang minuto pa'y naroon na din ang aming mga kasamang babae. Lahat ay masaya at sabik, ang mag-ate'y hindi maubusan ng kwentuhan dahil bihira na din silang magtagpo ng landas. Hindi ko naman magawang kausapin ang aming boarders na sila Regina at Vanessa gawa nga ng nangyari dati na ayaw ko nang lumala pa.

"si Carina?"
narinig kong wika ni Katherine.

"ah nasa kanila, nag-text na ready na daw siya, Bogs ituro mo nalang kay Mulong yung way papunta sa kanila"
wika ng aking asawa.

Si Mulong ang tsuper, ako ang katabi niya sa harapan ng van, yung magkapatid naman sa susunod na linya ng upuan at ang mga boarders naman sa may likuran kung saan may nakalaan ding upuan para sa kaibigan ni hipag.

Sa isip ko'y sakto lang ito, maitutuloy ko ang aking naantalang tulog habang binabagtas namin ang daan patungong Canyon Cove. Pabor din sa akin ang mga pwesto dahil una malayo ako sa tukso.

"doon sa pangalawang kanto pagliko pangatlong bahay" utos ko kay Mulong.

Naisip ko din, nalaman na ni Mulong ang tahanan nila Carina. Baka isang araw ay magpunta ito dito kung sakaling magkaroon sila ni Kat ng problema, syempre saan pa ba mapupunta ang ganoong sitwasyon. Ah bakit ba ganito ang mga naiisip ko, siguro puyat lang talaga ito.

"helloooooowwww guysss!"
masayang bati sa amin ng dalagang si Carina.

Halos hindi na namin marinig ang tugtog sa stereo sa ingay ng mga babaeng sakay namin sa likod. Parang palengke, paano ba akong makakatulog nito. Sinubukan akong kausapin ni Mulong habang siya ay nagmamaneho subalit nakahalata yata ang mokong na ako'y puyat at kailangan ng tulog.

"uy si papa Mulong pala ang driver hihi! hi kuya Bogs!" wika ni Carina.

Itinaas ko nalang ang aking kamay bilang pagsagot sa bati ng dalaga. Buti pa si Carina, naalala akong batiin, samantalang si Kat na matagal kong hindi nakasama'y wala man lang imik sa akin mula pa kanina. Isang oras ang lumipas at hindi ko pa din makuha ang tulog ko, minarapat kong makipag-usap nalang kay Mulong kahit ayoko.

"kumusta kayo ni Kat?" mahina kong tanong.

"ah ok naman po kuya, we're doin' great!" masaya nitong sagot.

"good."
sagot ko nalang.

Kahit anong pilit ay tila hindi yata tugma ang aming mga hilig, wala kaming mapag-usapang hindi napuputol ang paksa. Maliban na lang siguro kung si Katherine ang aming pag-uusapan ay siguradong kulang ang byahe namin upang ito'y matugunan, pero hindi ito maaari, parehas man naming gusto ang dalaga'y para ito sa kanya at hindi katanggap-tanggap ng madla kung ako'y magsisiwalat.

"babe stop-over muna tayo, CR muna or snack" wika ni Angel.

"kuya sa next gas station ba o sa restaurant?"
tanong sa akin ni Mulong.

"kahit saan, ikaw na bahala" sagot ko naman.

Ilang minuto pa'y nag-menor na ang aming sasakyan, mahusay itong si Mulong, sa gas station na may restaurant huminto.

"oh girls, breakfast muna?" alok ng aking asawa.

Halos sabay-sabay na sumagot ang lahat at isa-isang nagbabaan. Siguro napansin ng aking asawa ang haba ng aking mukha, parang natalo sa sabong ika nga. Nilapitan niya ako at saka kinuha ang isa kong kamay saka inilapat ang sa kanya.

"are you okay babe?"
tanong nito sa akin.

"ah oo, medyo hilo lang ako sa puyat" sagot ko nalang.

"aww, don't worry, I'll make sure na mag-eenjoy ka mamaya hihi!" paglalambing ni Angel sa akin.

Siguro nga hindi ko pa lubos na tanggap ang pagkakaroon ng BF ni Katherine, siguro akala ng aking sarili'y sa akin pa din siya. Sa bawat lambingan nila ni Mulong habang kami'y nag-aagahan ay tila may tumutusok sa aking puso. Ayos lang sana kung binati man lang niya ako kanina, pero parang wala ako at hindi niya nakikita.

"babe, bakit parang ilag sa akin yung kapatid mo?" tanong ko sa aking asawa.

"pansin ko nga, bakit nga ba?" sagot niyang mahina.

"hindi ko nga alam e, hindi na nga nagtetext sa akin kahit quotes man lang"
sabi ko pa.

"hayaan mo na muna, fresh pa siguro yung pagkakaroon niya ng BF at busy sa isa't isa" paliwanag ni Angel.

"...napansin din sa akin ni Kat yan dati noong nagkakilala tayo, lilipas din yan babe." patuloy pa niya.

Makalipas ang aming agahan ay muli kaming tumulak patungo sa resort na aming pupuntahan. Sa pagkakataong ito'y medyo natahimik na ang loob ng sasakyan, marahil parang mga itik sa pastulan kung saan kapag gutom ay maiingay, ngayon matapos kumain nama'y tahimik na sa kangkungan. Nagising na lang ako nang malapit na kami sa Canyon Cove, muling bumalik ang sigla nila nang makita na ang bukana ng resort.

"babe, I reserved 2 rooms. 1 for us and another for them" wika ni Angel.

Sa isip-isip ko'y bakit dalawa lang? Pero naunawaan ko din ng kanyang ipinaliwanag, ayaw daw niya na magsolo pa ng silid ang kapatid niya at si Mulong. Oo alam namin na may nangyari na sa dalawa pero bilang ate siguro'y dapat maging konserbatibo pa rin kahit paano.

Matapos ang ilang sandali ng aming pag-aayos ng mga gamit sa kani-kaniyang silid ay nagpulasan na ang aking mga kasama, ang iba'y sinilip ang pool area at ang ilan nama'y doon sa dalampasigan nagpunta. Gusto ko sanang manatili nalang muna sa aming silid subalit kumakalam na din ang aking sikmura kaya't lumabas na din ako doon sa kinaroroonan nila. Tiniyak ko munang maayos na ang lahat bago ako lumisan, sa aking paglabas ay may napansin akong isang maliit na bag.

"kanino kaya ito?" wika ko sa aking sarili.

Binuksan ko ang itim na bag at nakita kong naglalaman ito ng isang camera na mamahalin. Walang pagkakakilanlan, walang pangalan, hindi ko alam kung naiwan ba ito nung dating nangupahan o di kaya nama'y pag-aari ng isa sa aking mga kasamahan. Wala naman sigurong masama nang aking buksan upang siyasatin kung may naka-save na bang larawan, ilang saglit pa'y nakita ko na ang nilalaman.

"shit." tanging nasabi ko nalang.

Bumungad sa akin ang larawan ng aking hipag, dapat sana'y aalamin ko lang kung kanino itong hawak kong camera sa pamamagitan ng pagtingin sa isa o dalawang litratong nakapaloob dito. Subalit tila kusang pumipindot ang aking daliri upang isa-isahin ko pa ang kalahatan nito. Napangiti ako, sa mga mapang-akit na ngiti ni Katherine doo'y muli akong nabighani. Napakaganda talaga ng kapatid ng aking asawa, parang propesyunal na modelo sa aking paningin. Malamang kay Mulong ito at siya rin ang kumukuha sa bawat anggulo at postura ng aking marikit na hipag.

Hindi ko akalaing magtatagal ako sa aking kinaroroonan, lalo pa akong nanatili nang sumapit ako sa ilang larawan ni hipag na sadyang mapangahas. Kuha ito kagabi lamang, suot ang two-piece bikini na malamang ay kabibili lamang at isinukat ni Katherine. Sa itim na suot na panligo ay nangingibabaw talaga ang mala-gatas niyang kutis, parang naririnig ko pa ang mga tawanan nilang mag-syota habang sila ay nagpi-pictorial.

"shit, I really miss you Kat..."
bulong ko pa sa aking sarili.

Natigil na lang ako sa pakiki-usyoso nang dumako na ang mga larawan sa kanilang "selfie". Kung kanina'y umaakyat na ang aking libog para sa aking hipag ay muli itong bumagsak nang makita kong kasama na niya sa larawan ang kanyang nobyo. Sigurado akong selos ito, parang hindi ko talaga kayang makita si Katherine na masaya sa piling ng iba. Eksakto tumunog naman ang aking telepono, si misis ang tumatawag at kaagad ko namang sinagot ito.

"babe ang tagal mo naman? halika na kakain na tayo ng lunch naka-order na ako" wika ni Angel sa kabilang linya.

"oo babe papunta na ako dyan"
sagot ko naman.

Habang tinatahak ko ang pasilyo patungong kainan ay muntik na akong mahulog sa lalim ng aking iniisip. Nabuong muli sa aking imahinasyon at plano na rin, ang muling matikman si Katherine. Gaya kasi ng aking sinabi dati, kakaiba ang bawat isa sa aking mga babae. Kung meron akong magandang asawa, asawa na masasabi kong perpekto na sa ganda at arangkada, may nakikita pa din akong kakaiba kay Carina. Pero alam kong hindi ito sapat, sabihin na nating ako'y makasarili at mapangarap, mayroon pa din kasi si Katherine na wala sa dalawa kong nilalasap.

"kuya Bogs! halika kain na tayo ikaw na lang hinihintay e" bungad sa akin ni Carina.

"ah sorry, nag-ayos pa kasi ako sa loob...nga pala, sa inyo ba ito?"
sabay angat ko ng itim na bag ng camera na aking nakita.

"ah kuya sa akin po yan, san nyo po nakita?" sabat ni Mulong.

"nasama siguro sa nadampot ko kanina, nakita ko nung papalabas na ako ng room, heto..." sagot ko.

Doo'y napatingin sa akin ang maganda kong hipag, hindi kami nagkatinginan ngunit alam kong napatingin siya sa akin. Siguro alam niya ay nasilip ko ang laman ng camera pero hindi na ako nagpahalata.

"wow may driver na, may photographer pa pala tayo hihi!" singit nitong si Carina.

Sumabay pa ang hagikgikan ng dalawa naming boarders at maging ang aking maybahay. Naisip ko tuloy, parang hindi na ako kasali sa usapan. Dati ako ang sikat, dati ako ang lahat ay hinahanap, pero tila may papalit na yata sa aking trono bilang barako sa grupo.

"let's go swim after lunch?" wika ni Angel.

"yes please! hihihi!"
sagot kaagad ni Carina at sumang-ayon na rin ang lahat ng aming kasama.

0 comments:

Post a Comment